Monday, February 9, 2009

Charice will perform at the Oscars after party!

 
Matapos kumanta sa inaguration ball ni US President Barrack Obama, isa na namang international singing engagement ang naka-lineup para kay Kapamilya star Charice Pempengco. Ayon sa website na leezagibbonoscarnight.com, naka-hilera si Charice na umawit sa after party ng Oscar Night sa Mr. Chow, isa sa mga kilalang restaurant sa Beverly Hills kung saan madalas kumain ang mga sikat na artista.

Big event ang Academy Awards night sa Hollywood. Ito na yata ang pinaka-prestigous event sa larangan ng showbiz sa US kaya naman big time talaga kung makakuha ka ng gig dito kahit sa mga after parties lang, dahil pihadong dadaluhan pa rin ito ng mga Hollywood stars na magmumula sa mismong Academy Awards night.

Ang kilalang composer na si David Foster ang nag-organize ng naturang after party na isa ring viewing party para sa mga big fans ng Academy night. Sina Olivia Newton-John, Leeza Gibbons, at David Foster ang magiging hosts ng naturang party sa February 22. Sa after party magpeperform si Charice, kasama ang Grammy Legend na si Thelma Hulston. Fund raising din ang naturang event para Make The Difference Network na itinaguyod ng Hollywood actress na si Jessica Biel.

Source:MJ Felipe,www.abs-cbn.com

No comments:

Post a Comment